Lunes, Pebrero 27, 2012

Aralin 30:    Relihiyon at kultura 
                        sa Asya






      Sa puntong ito, batid mo nang nagmula sa Asya ang mga pangunahing rehiliyon at pilosopiyang laganap sa buong daigdig.
      Mahalagang mapag-aralan ang rehiliyon sapagkat imposibleng maunawan ang mga kabihasnang Asyano nang hindi muna naiintidihan ang mga dakilang rehiliyong nakaapekto rito. Malaki ang impluwensya ng rehilyon sa sining, arkitektura panitikan,drama,musika ,sayaw, at maging sa personal  at pambansang antas ng pamumuhay  gaya ng personal na gawi ,produksyong pangkabuhayan at maging patakarang pambansa at panlabas . masasalamin ang halaga ng rehiliyon hindi lamang sa dami ng mga templo ,moske ,simbahan at dambanang matatagpuan sa rehiyon hanggang sa kasalukuyan, kundi maging sa mga kaganapang kadalasang nakaugat sa paniniwalang panrelihiyon.






  Japan 
      Maiituring na pinakamodernong bansa sa Asya ang Japan subalit napanatili ito ang impluwensya ng relihiyon sa kanyang tradisyon. Itinuturo pa rin sa mga Haponesa ang pagsusuot ng tradisyonal na damit na kimono o obi, ang detalyadong ritwal ng seremonya sa tsaa at pag-aayos ng bulaklak (kilala rin sa tawag na ikebana).dinudumog pa rin ng milyong hapones ang mga dambanang shinnto at templong Buddhist. isinasaayos naman tuwing ika-20 taon ang dakilang dambana sa Ise o kung tawaign ay Ise Shrine.
     Napangalagaan pa rin ang mga templong Tang na yari sa kahoy. Naging bahagi na ng tradisyong hapones ang arkitekturang halaw mula sa China sa panahon ng Tang.


     Nakatutuwang isipin na ang mga Hapones ay nakasakay sa pinakamodernong sistemang transportasyon subalit pag-uwi sa kanilang bahay ay nagsusuot ng kimono at tradisyunal na tsinelas, nauupo sa tatami mat, at kumakain ng pagkaing Hapones.


  Vietnam
Makikita sa mga bansang Buddhist, partikular sa Timog Silangang Asya, na hindi lamang personal na kaligtasan ang mahalaga kundi pagpapabuti sa kondisyon ng pang araw-araw na pamumuhay. Malaki rin ang epekto ng Buddism sa mga patakaran pambansa. Kadalasang nangunguna ang mga mongheng Buddhist sa mga protestang pulitikal.


     Sa Vietnam, naging aktibo ang mga monghe sa pagiging nasyonalista ng mga Vietnamese. May mga naglalabang partido pulitikal na buddhist.


    Isang katibauan ng pagiging aktibo ng mga Buddhist sa isyung pulitikal at panlipunan ay ang tanyag na pagsunog sa sarili (self-immolation) ng mongheng Buddhist na si Thich Quang Duc noong 1963. Ginawa niya ito, katulong ang dalawa pang monghe nagbuhos ng gasolina sa kanyang katawan, sa isang abalang sangandaan sa SAigon ( ngayon ay Ho Chi Min City), Vietnam. Ito ay bilang protesta sa mapaniil na patakaran ng Kristyanong rehimen ni Pangulong Dinh Ciem laban sa mga Buddhist sa Vietnam.


    Sa mga liham ni Thich Quang Duc sa pamayanang Buddhist gayundin sa pamahalaang Kristiyano bago naganap ang insidente, hiniling niyang alisin ng rehimen ang mga restriksyong ipinataw nito sa mga Buddhist gaya ng pagbabawal sa pagwagayway ng kanilang bandila at ang pagpapakulong sa kanila. Sinabing ang naturang insidente ay lalong nagpasidhi ng damdaming Buddhist at nagbigkis sa mga naniniwala sa relihiyong ito. Humantong ang mga protestang ito sa pagpapatalsik sa rehimeng Diem sa South Vietnam noong 1963.



  India
    Isa sa mga tradisyong Hindu ang sati (sattee sa ibang aklat) o ang pagpapakamatay ng balong babae sa pamamagitan sa pagsama sa cremation o pagsunog ng labi ng aswang namatay. Bagamat ipinagbawal na ito ng pamahalaang Englisg sa India noong 1829 pa, noon lamang 1987 ay isang kaso ng sati ang naitala. PAtunay laman na sa kabila ng batas na nagbawal dito, patuloy parin ang ilang Hindu sa pagsasagawa nito. Pangunahing dahilang ibinigay sa pagsasagawa nito ang paglilinis ng kasalanan ng asawang lalaki at maging ng byuda. Sa pamamagitan ng sati, pinaniniwalaang nag kaluwalhatian sa kabilang buhay.
     Noong 1987, isan 18 taong gulang na balong babae, si Roop Kanwar, ang nagsawa ng sati. Wala pa silang isang taong kasal nang mamatay ang kanyang asawa, subalit hindi ito ngaing hadlang upang hindi niya isagawa ang tradisyong ito.


    Dahil sa pangyayaring ito , naging maigtig ang pagtatalo sa pagitan ng usapin ng tradisyon at modernisasyon.tinuligsa ng mga kanluranin at perministang hindu ang pagdakila ng sati samantalang itinaas naman ng mga debotong hindu sa roop kanwar bilang diyosa. inaresto ang mga tumulong sa pagpapakamatay ni Kanwar,kasama ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki na siyang nagsindi ng apoy ng cremation.







Saudi Arabia 

   Sa lipunang Arabo, nanatili pa ring mababa ang katayuan ng kababaihan sa lipunan. Ang diskriminasyon laban sa mga kababaihan ay sinasabing wala sa aral ng Islam na may paniniwala sa ummah o konsepto ng pagkapantay-pantay ng lahi, kasarian, o uring panlipunan. Subalit dahil sa isang salik, hindi ito ganap na naipatupad sa mga bansang Arabo. Halimbawa, sa usapin ng kasal, pinapayagan ang kalalakihang magkoroon ng hanggang apat na asawa at kahit ilang concubine. Subalit kailangan ay mapapakain at matrato niya nang pantay ang mga ito. Tila rin walang kahirap-hirap sa lalaki na makipagdiborsyo sa kaniyang asawa. Sa usapin naman sa karapatan ng bata matapos ang diborsyo, mananatili ang anak na lalaki sa ina hanggang umabot siya ng pitong gulang, pagkatapos ay sa ama na siya mananatili. Kapag babae ang anak,, dapat maabot muna niya ang gulang na siyam bago siya`mapunta sa kaniyang ama. Subalit kung magdesisyon ang babae na magpakasal nang hindi pa natatapos ang panahon ng legal custody, mawawalan na siya ng karapatan sa kaniyang mga anak.


   Sa Afghanistan halimbawa, nang mangibabaw rito ang Taliban, mas lumala ang diskriminasyon sa kababihan. ang Taliban ay isang grupo ng mga radikal na Muslim. Dahil sa kautusan ng Taliban, napilitan ang mga babae na magsuot ng burka, ang kanilang tradisyunal na pananmit na umatakip sa buong katawan nito. Bukod dito, kailangan pailang magsuot ng belo na tumatakip maging sa kanilang nga mata. Tinanggal rin ang karapatan nilang bumoto, mag-aral, magtrabaho at tumangga ng benepisyong pangkalusugan. Sa pagbagsak ng Taliba, bahagyang nabawasan ang di-makatwirang restriksyon sa kababaihan.




Pilipinas
                                 


         Kinakaharap ngayon ng Pilipinas ang mabilis napaglaki ng populasyon. Ito ay ayon sa United Nations' Population Fund na nagdeklarang apat na sanggol ang ipinapangank sa bawat minuto simula taong 2000. Dahil dito, tinatayang aabot sa 84.2 milyon ang populasyon ng Pilipinas sapagtatpos ng 2004 mula sa 76.5 milyon noong 2000 ayon sa NSO. Subalit may mga datos na nagsasabing nasa 86 milyon na ang populasyon ng Pilipinas noong 2004.
     
      Malaking problema ito para sa bansa, lalo na at ang 1/3 bahagi ng populasyon ay kumikita lamang ng katumbas ng $1 bawat araw. Nangangahulugan ito ng kahirapanng pamumuhay ayon sa World Bank. Ang nasabing kita ay hindi sapat para sa isang pamilya na tustus ang pagkain, upa sa bahay, tubig, kuryente, pagpapaaral sa ank, at iba pang pangunahing pangangailangan.


      Ayon sa Direktor ng Philippine Population Commission na si Tomas Osias, naniniwala siyang bahagi ng solusyon ang pagppalaganp ng kaalaman hinggil sa pagpaplano ng pamilya, lalo na mahihirap. Ayon naman sa ilang ekperto, ang pangunahing sanhi ng paglobo ng populasyon ay ang kakulangan ng pamahalaan sa pagpaplaganp ng kaukulang impormasyon hinggil sa pagplano ng pamilya. May kakulangan din sa pagpapamudmod ng mga mumurahing contraceptive o mga artipisyal ng pagpipigil sa pagbubuntis.


       Sa kabila ng mga suliraning pang ekonomiya, maari ding maging dahilan sa pagdami ng kason Human Immunodeficiency o HIV at Aids ang hindi paggamit ng kontrasepsyon. Noong 2004, tinatayang 1810 kaso ng HIV at AIDS ayon sa pamahalaan (9400 kaso naman ayon sa UN). Maaring dumami pa ito dahil sa hindi malawaking paggamit ng kondom.


       Noong 2003, nagpahayag si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng pagsuporta sa rhythm method, isang uri ng pamamaraan a pagplamo ng pamilya kung saan hindi magtatalik ang magasawa sa panahon ng ovulation ng babae. Ayon sa mga kritiko, ito ay hindi maaasahan naa pamamaraan at mahirap sundin. Nagmungkahi rin ang ilng mambabatas ng two-child policy uapng solusyonan ang problema sa populasyon. Marami ang tumutol sa panukalang ito.


      Ayon naman sa Sa simbahang Katoliko, mangangampanya sila laba sa sinumang pulitikong magtaguyod ng artipisyal na pamamraan ng pagpigil sa buntis. Naniniwala ang marami na habang tumututol ang simbahang katoliko sa paggamit ng kontrasepsyon asahang tutuloy ang paglobo ng populasyon.





           

                                                              ARALING PANLIPUNAN II
                                         SUBMITTED TO OUR TEACHER :  MRS.CAPUA
                                                 SUBMITTED BY : HARRY MABBAYAD